Wednesday, August 10, 2011

Remembering the Alabang trip via PNR train

Naaalala ko pa noong kinantyawan ako ng tropa dahil sa pag aakalang pwede akong mag byahe sa Bicol using PNR train. Sa kagandahang palad ay ang nasakyan ko na PNR train trip ay up to Alabang lamang. Ito ay nung sumumpong ang aking layas mode.

Akalain ko ba na magiging maganda ang aking trip na ito sapagkat isa ako sa mga nauna sa pagsakay sa trip na ito ng PNR train. At imagine mo na ang nasabing PNR train ticket costs only Php 20.00 back then. Ngayon sa pagkakasulat ng blog post kong ito ay Php 25.00 bucks na yata ang cost ng nasabing train ticket to Alabang.

Zamborga no more

Zamborga, sino o ano nga ba sila? Ito ay isang grupo na kinapapalooban ko at ilan sa mga kaibigan sa batch 87 ng Felipe G. Calderon Integrated School na sya na ngayong Felipe Calderon High School. Ewan ko ba kung pano nabuo ang grupong ito pero ang alam ko kung gaano kadali itong nabuo ay ganun lang din kadali nawala.

Hanggang ngayon di ko alam kung bakit at kung sino ang dahilan kung bakit nadissolve itong masayang grupo. Pero isa lang ang alam ko, "sayang". Oo, sayang ang pinagsamahan ng tropa na nauwi lang sa wala. Marami na ding mga photos at blog akong nabuo sa mga adventures ng grupo para lamang idissolve o madissolve ito.