Wednesday, August 10, 2011

Zamborga no more

Zamborga, sino o ano nga ba sila? Ito ay isang grupo na kinapapalooban ko at ilan sa mga kaibigan sa batch 87 ng Felipe G. Calderon Integrated School na sya na ngayong Felipe Calderon High School. Ewan ko ba kung pano nabuo ang grupong ito pero ang alam ko kung gaano kadali itong nabuo ay ganun lang din kadali nawala.

Hanggang ngayon di ko alam kung bakit at kung sino ang dahilan kung bakit nadissolve itong masayang grupo. Pero isa lang ang alam ko, "sayang". Oo, sayang ang pinagsamahan ng tropa na nauwi lang sa wala. Marami na ding mga photos at blog akong nabuo sa mga adventures ng grupo para lamang idissolve o madissolve ito.

Hindi pa huli, pero kung wala na ay sige. At least marami akong magagawang masasayang bagay at marami din akong sweet memories sa loob ng Zamborga.

No comments:

Post a Comment