Friday, January 9, 2009

Ayaw ko Manood ng Fear Factor Argentina

Hindi ko masyadong gusto ang Fear Factor Argentina. Nakakinis lang kasi bakit alanganin talaga ang bitin ng mga episodes kaya hindi ko na talga sinubaybayan at ayaw ko na manood. Maganda sana e kaso ewan ko ba hindi ko gusto ang aura ng show at yung parte na parang hindi fair sa iba ang sistema ng kung sino ang mauuna sa challenges.

Kasi ang siste ay ganito, kung halimbawa ay nauna si LJ dahil tinanong lang ng host na si Ryan Agoncillo kung sino ang gusto mauna, e di magiging advantage sa iba habang pinapanood nila ang nauana, nakikita na ng mahuhuli kung ano ang magandang teknik na gagamitin nya para makaungos sa ibang participantes.

Ang nangyayari ay hindi na Pinoy Fear Factor, Pinoy Mauna Ka Muna Factor. Pero ang huling napanood ko ay hindi na ipinakita sa ibang participantes and challenge ng mga nauna so kapag ganoon ay fair. Tapos may kinalaman din sa weather kasi kung minsan gaya ng challenge na paglalakad sa poste and yung pagkuha sa mga banderitas. Malas ng nauna kasi umulan ng malakas and on the other hand naman swerte ang mga nahuli kasi tumigil din ang ulan. Ang problema kasi kagaya ng challenge na yun ay kung uulan, mas madulas ang mga poste so mas mahirap kaya dapat ang chronology ng participantes sa Pinoy Fear Factor hindi tanungan system. Dapat talaga something like bunutan kung sino ang mauuna.

No comments:

Post a Comment