Friday, January 9, 2009

Pasasalamat sa Lumang Taon at Welcome ng Bagong Taon

Ang nakaraang taon ay lubhang naging magaan para sa akin, sa aking pamilya, at sa mga mahal ko sa buhay. Madami rin akong naabot ng mga talaga namang ginusto ko kasama ang aking pamilya gaya ng makapag resign sa trabaho at mag full time sa mga gawain sa internet gamit ang aking computer. Natuto din ako at nahasa ng husto sa mga bagay na kakailannganin ko sa hanap buhay ko gamit ang internet. Na-maintain namin ng aking kabiyak ang aming internet at nabayaran naman ang lahat ng dapat mabayaran sa loob ng mahigit na isang taon. Nakbili ng regalo para sa mga magulang ko. Nakapag bigay din sa mga kapatid ng asawa ko sa probinsya at higit sa lahat, natutustusan ang pag aaral ng aming anak na nag iisa lamang.

Natutuwa ako dahil ang nakaraang taon ay talaga namang naging masagana para sa amin. Nakabili na din kami ng 2 bagong LCD monitor para sa PC namin dito sa bahay kaya hindi na masyadong sumasakit ang mga mata namin sa kakababad sa computer. Hindi ko alam pero malaki talaga ang comfort na dulot ng LCD monitor kesa sa regular TV monitor-type sa PC. Mababa siguro kasi ang luminance ng LCD monitor. 2 klaseng brand din ang binili namin para makita kung ano ang mas tataga sa brand - Samsung SynMaster 732NW at LG Flatron L177WSB.

Meron na din kami naipon para sa summer outing namin kasama ang mga magulang ko sa Boracay (madadagdagan pa ito kasi madami kami balak puntahan). Balak ko din regaluhan ang anak ko ng PSP kaso baka kasi maka apekto sa pag aaral kaya delay muna at wala pang badyet na dumadating Antay lang kasi for sure dadating din to. Sa hanap buhay naman so far smooth kaya lubos talaga ang pasalamat ko kay utol - si "makapangyarihan". Tol salamat at nandyan ka lang lagi.

Sa ate ko (Beng), salamat din. eto nga pala ang isa sa inspirasyon ko kasi grabe pag may gusto mula pa noon sa pag-aaral, inaabot talaga. Si kuya, basta natutuwa ako at meron din syan sariling accomplishment sa buhay nya. Anyway, basta overall maganda ang nakaraang taon at alam ko marami pang dadating sa mga araw na lilipas. Lumalaki lalo ang kita namin kay Google. Gugel, thank you!

Hopefully this year ay makakabili kami ng house ang lot namin at mag second honeymoon sa Baguio kasama ang family ko. Tapos punta sa mga water falls dito sa libot ng Manila. Gusto ko makapunta din kami sa Palawan at makalibot. Hindi kasi ako layas talaga pero this year alam ko. hindi man ako si JoJo Acuain, alam ko meron pang mga pasyalang dadating sa aming 3 at sa parents ko kasama namin.

Gusto ko din magkaroon ng farm na malaki ang mag serve sa social works kasama ang wife ko kasi gusto nya rin yan pero yan naman ay kapag umapaw na talaga at labis kailangang ibigay din sa iba. Ang grasya dapat talaga i-share. Basta, meron pa. Madami pa. Mas magarbo pa. Welcome sa Bagong Taon at Bagong Blessings!

No comments:

Post a Comment