Friday, January 9, 2009

Bed of Roses at Ang mga Tomador ng Taon

Ok ngayon ay hindi na umpisa ng taon pero hindi ko alam kung bakit ba itong 2 kapitbahay ko ay sige pa rin ang inom. Kabilaan. Hindi sila nakakainis bagkus ay nakakatuwa kasi ang gandan ng mga usapan sa inuman eversince. Alam ko yan kasi naging tomador ng taon din ako noong college life ko sa TUP. OO, sa T.U.P. ako nag-aral. Ang ibig sabihin ng T.U. P. ay Tanging Unibersidad ng mga Pogi. Ewan ko sabi lang ng mga pinsan ko na nag aral din doon at nagtapos tulad ko.

Balik tayo sa mga bagong tomador ng taon na mga kapitbahay ko. Kaya Bed of Roses ang pamagat nitong sinusulat ko kasi yan ang tugtog sa kapitnahay ko na hindi na yata naalis ang baso sa labi nila buhat pa ng bago lumipas ng tuluyan ang taon. Hindi marunong malasing ang mga loko. At the best sila kasi kapag nalasing na ang isa sa magkapatid na alcoholic ay iisa lang ang bukang bibig ng isa sa isa. "pindeho, may tae sa ulo" yan... oo yan lang ang pinaka importanteng kataga na lumalabas sa bibig ng isang ito. Akala mo ba ay hindi magkapatid ang mga lokong ito.

Sa bandang kabila naman, meron ding nag iinuman sa ngayon pero iba naman ang tugtog ng kanilang mga bibig, este ng kanyang bibig kasi isa lang ang bida, si "Tesmo". Yan ang tawag ng kuya ko sa kapit bahay ko na ito. Ay naku, ang saya naman talaga dito sa looban kung tawagin. Dito na ko lumaki, sa Bayani Street tabi ng poso may aso - ang pangalan Wiggle. Pero namantay na itong asong ito kaso hindi ko pa din nakakalimutan ang pangalan nya kasi alaga namin to noon.

OO nga pala, si Tesmo? Ah wag na nga pag usapan to. Para sa akin ang mga taong walang kwenta hindi na dapat pinag uusapan gaya ng kung tataas pa ba ang sahod ng mga manggagawa. Hehe. Sa Pilipinas 2 na lang ang hindi tumataas, ang sahod ng manggagawa at ang mahal na pa....o. O kung anu-ano na naman ang iniisip nyo sa word na yan... "pangako" yan. Di ba? yung mga pangako ng mga pulitiko, hindi na tumataas ang badyet kasi siguro may maluwag na bulsa na kung saan doon nalalaglag ang pera ng bayan. Sige na tapos na ang Bed of Roses at sana matapos na din ang mga tomador ng taon!

No comments:

Post a Comment